Ang Pitong mga Dasal ng Fatima

CHAPLET NG FATIMA

We are making amends to our Chaplet translations.
Please bear with us.

Pahina ng Tahanan



SIYAM NA MGA HAKBANG SA PAGDADASAL NG
CHAPLET NG FATIMA

Hakbang 1: Magsimula sa PANGUNGURUS. Habang tangan ang Krus dasalin ang Panalangin ng Sakripisyo:

O Hesus, ito po ay para sa pagmamahal sa Iyo, para sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan, at bilang reparasyon para sa mga kasalanan na nagawa laban sa Kalinis-linisang Puso ni Maria na ako ay nagdadasal.

Hakbang 2: Sa susunod na malaking butil dasalin ang  Panalangin ng Kapatawaran:

Diyos ko, ako po ay naniniwala, ako po ay sumasamba, ako po ay nagtitiwala, at nagmamahal sa Inyo! Nanghihingi po ako ng kapatawaran para sa lahat ng mga hindi nanininiwala, hindi sumasamba, hindi nagtitiwala, at hindi nagmamahal sa Inyo.

Hakbang 3: Sa unang maliit na butil dasalin ang Panalangin ng Eukaristiko:

Santisimo Trinidad, sinasamba ko Kayo! Diyos ko, Diyos ko, minamahal ko Kayo sa Kabanal-banalang Sakramento.

Hakbang 4: Sa ikalawang maliit na butil dasalin ang Panalangin ng Pagbabalik-loob:

Sa pamamagitan ng iyong puro at Kalinis-linisang Pagkakapaglihi, O Maria, kamtin mo ang pagbabagong-loob ng Rusya, Espanya, Portugal, Europa at ng buong mundo!

Hakbang 5: Sa ikatlong maliit na butil dasalin ang Panalangin ng Kaligtasan:

Katamis-tamisang puso ni Maria, iligtas mo po ang Rusya, Espanya, Portugal, Europa at ang buong mundo.

Hakbang 6: Sa susunod na malaking butil dasalin ang Panalangin ng Kapatawaran:

Diyos ko, ako po ay naniniwala, ako po ay sumasamba, ako po ay nagtitiwala, at nagmamahal sa Inyo! Nanghihingi po ako ng tawad para sa lahat ng mga hindi nanininiwala, hindi sumasamba, hindi nagtitiwala, at hindi nagmamahal sa Inyo.

Para sa pagdadasal ng karagdagang mga Dekada, ulitin ang mga Hakbang 6 hanggang 8. Pagkatapos ay tapusin ng Hakbang 9.

Hakbang 7: Sa bawat isa sa susunod na maliit na mga butil dasalin ang Panalangin ng Eukaristiko:

Santisimo Trinidad, sinasamba Ko Kayo! Diyos ko, Diyos ko, minamahal Ko po Kayo sa Kabanal-banalang Sakramento.

Hakbang 8: Sa kadena na nag-uugpong dasalin ang Panalangin ng Dekada:

O Hesus Ko, patawarin mo po ang aming mga sala, iligtas mo po kami sa apoy ng impiyerno. Akayin mo po ang lahat ng mga kaluluwa patungo sa Langit, at tulungan lalung-lalo na yoong mga higit na nangangailangan ng [Inyong Awa].

Hakbang 9: Sa hibilya dasalin ang Panalangin ng Anghel:

O Santisimo Trinidad, Ama, Anak at Espiritu Santo, labis ko po Kayong sinasamba. Inaalay ko po sa Inyo ang pinakamamahal na Katawan, Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ni Hesu Kristo na nasa lahat ng mga tabernakulo sa buong mundo, bilang reparasyon para sa mga kalapastanganan, mga sakrilehiyo, at pagwawalang-bahala na kung saan Siya ay  nasasaktan. Sa pamamagitan ng  walang-hanggang mga biyaya ng Kasanto-santuhang Puso ni Hesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria ako po ay nagmamakaawa para sa pagbabalik-loob ng mga kahabag-habag na mga  makasalanan. [Tapusin sa pamamagitan ng PANGUNGURUS. Amen].